• LAKOMPAKE: Ang Babaeng Bukod na Pinagpala sa Lahat | Senyora

Hola, mga hampaslupa! Sa totoo lang, ayoko sanang gumawa ng libro. Kasi ayoko 'yung masyadong nahahalata na matalino ako. Lalong dadami 'yung mga haters na nagsasabing dalawa raw ang likod ko! My gad! As if naman nakakabawas ng ganda 'yun! Well, hindi lang nila matanggap na nung nagsabog ng kagandahan, kaseksihan, at katalinuhan e dun lang nagpaulan sa hacienda ko. Pwe!

Ilang taon na akong nagre-reyna-reynahan sa Social Media, at itong librong ito ang naging bunga ng aking imahinasyon, mga hampaslupa na hindi napapagod magpaalala na wala akong dede! Andito ang lahat ng mga opinyon at advice ko tungkol sa mga feeling RK, mga nagpo-post ng mahaharot na pictures pero may #respect, mga manggagamit, paasa at hipokrito! Lalo na sa mga nabiktima ng LandianNgKahapon# na may nakilala lang sa Facebook tapos magtatanong how to move on daw e hindi naman naging sila, at marami pang iba na hindi na pwedeng ikwento pa!


Books
Author Senyora

Write a review

Note: HTML is not translated!
    Bad           Good

LAKOMPAKE: Ang Babaeng Bukod na Pinagpala sa Lahat | Senyora

  • Genre: Entertainment, Humor
  • Availability: In Stock
  • P185.00


Tags: lakompake, ang, babaeng, bukod, na, pinagpala, sa, lahat, senyora