• WaLang Love |Rod Marmol

Lahat ng taong nagmamahal, dumarating sa parte ng buhay na maghahanap ng libro, artikulo, kanta, o pelikula tungkol sa mga hakbang kung paano ba magmo-move on. 

hindi 'yon ang ibibigay sa'yo ng librong ito.


Dahil ang paghakbang ay simple lang, ilagay mo ang isang paa sa unahan ng isa, ulitin, hanggang sa makarating sa kailangang patunguhan. alam nating hindi ganoon kadali ang paglimot.


Kaya ang ibibigay ng librong ito ay hindi mga hakbang-kundi dance steps, chords, kumplikadong recipes, at mga paraan ng paglangoy, pagtalon, pagtakbo, pag-tinikling, pag-split, at pag-tambling mula sa mga sakit at bakkit. Hindi ka bibigyan ng librong ito ng isang formula ng laging sakto ang sagot. Bibigyan ka ng librong ito ng mga tamang tanong para marating mo ang sarili mong kasagutan.


Kung si Lang Leav ay magaling sa pagsusulat, ang librong  (Wa)Lang Love ay eksperto sa pagsusugat.


At mula sa mga sugat na ito, hugutin natin ang paghilom.

Sama-sama, walang husgahan. Game?



Books
Author Rod Marmol

Write a review

Note: HTML is not translated!
    Bad           Good

WaLang Love |Rod Marmol

  • Genre: Poetry
  • Availability: In Stock
  • P250.00


Tags: walang, love, rod, marmol